LIVE WELL
Bounce Back with These 8 Unstoppable Health Tips
Sakit ng ulo? Sakit ng katawan? Walang makakapagpigil sa iyo. Dumiskarte nang tama sa tulong ng mga health tips na ito:
1. MAG-TIMEOUT MUNA
Bawal mag-leave sa trabaho, at walang tigil ang hanapbuhay... Pero kahit na puro stress ang buhay natin, importanteng mag-relax araw-araw at mag-timeout kung kailangan. Ugaliing mag-meditate -- kahit sampung minuto lang -- upang mawala ang stress at makapag-recharge.
2. KUMAIN NANG TAMA
Ang kalusugan at pagkain nang tama ay talagang magkaakibat. Lahat ng kinakain mo ay may epekto sa digestive system at sa immune system, pati na rin sa bone health.
How eating healthy can help you thrive:
- Labanan ang inflammation. Ito ay sanhi ng maraming problema sa kalusugan tulad ng muscle pain. Makakatulong sa pagpigil ng inflammation ang mga pagkain tulad ng isda, gulay, citrus fruits, nuts, beans at sibuyas.
- Ang mga processed foods tulad ng instant noodles at delata ay punung-puno ng sugar, sodium at fats na nagiging sanhi ng problema sa kalusugan. Maaari rin itong maging sanhi ng pagbagsak na ating energy.
- Kumain ng sariwang gulay. Punung-puno ng essential vitamins at minerals ang mga ito upang manumbalik ang iyong lakas, at i-maintain ang kalusugan ng buong katawan.
- Mag-online cooking classes upang matutong magluto ng mga pagkaing masustansiya at mabuti para sa iyong kalusugan. Maraming recipes at online classes na libre.
Ang pagkain ay may epekto sa iyong nararamdaman at maaaring maging mabisang headache remedy. Upang malaman ang wastong lunas sa iyong headache, makakatulong na ilista ang lahat ng kinakain mo at pansinin ang mga physical at mental effects ng mga ito sa iyong katawan. Tandaan: more control over your food means more control over your health.
3. MATULOG NANG MAHIMBING
Isa sa pinaka-importanteng bagay na maari mong gawin ay ang pagtulog nang mahimbing bawat gabi. May benepisyo ito sa iyong physical, mental at emotional na kalagayan. Ngunit, maraming tao ang hindi nakakamit ang benepisyo nito. Maaring ang unan mo ay ang problema. Subukan mong gumamit ng unan para sa wastong spine alignment. Kung nahihirapan ka namang makatulog, maaaring makatulong na iwasan ang mga gadgets isang oras bago matulog. Iwasan din ang panonood ng TV o paggamit ng smartphone. Maaaring maging problema sa pagtulog ang over-stimulation.
If pain keeps you up at night, try a pain reliever like Paracetamol Propyphenazone Caffeine (Saridon).
4. MASSAGE THERAPY
Sa tulong ng massage therapy, sadyang mawawala ang stress at mabibigyan ng ginhawa ang sakit sa katawan. Hindi rin kailangan magpahilot sa professional. Pwede mong i-massage ang iyong ulo at leeg para mawala ang headache na dulot ng stress.
5. HERBAL SUPPLEMENTS & OVER THE COUNTER MEDICATION
araming halaman o herbs ang mabuti sa ating kalusugan. Isa na rito ang ginger o luya. Sa isang medical study, ang ginger at over-the-counter pain medication ay naging epektibong pain reliever sa mga pasyente sa ER.* Nakakatulong din ito sa migraine treatment. Uminom ng ginger tea**, o salabat, kasama ng Paracetamol Propyphenazone Caffeine (Saridon) pain reliever, kung masakit ang iyong ulo.
References:
*Cephalalgia: “Double-blind placebo-controlled randomized clinical trial of ginger (Zingiber officinale Rosc.) addition in migraine acute treatment.”
**Phytotherapy Research: “Comparison between the efficacy of ginger and sumatriptan in the ablative treatment of the common migraine.”"
6. MAKINIG SA MUSIC
Ang music ay hindi lamang para sa workout o pampalipas oras habang nagco-commute. Maaari rin itong magbigay ng emotional at physical na benepisyo. Ang musika ay nagbibigay ng kaligayahan, nakakatulong sa pag-alaala, naghihikayat sa atin na sumayaw, at nagpapakalma kapag tayo'y stressed.
Kaya kumanta, tumugtog, o makinig sa musika. Huwag ipagpaliban ang benepisyo nito.
7. MAG-EXERCISE
Alam ng karamihan na mabuti para sa atin ang daily exercise. Pero sa totoo lang, mahirap itong gawin, lalung lalo't na kung may karamdaman ka? Buti na lang may mga madadaling paraan para mag-exercise.
Hindi kailangang mag-workout nang todo-todo. Ang swimming, walking at stretching ay pwedeng magbigay ng lakas sa katawan at nagpapatibay ng kasukasuan. Kahit sampung minuto ng exercise ay nagdudulot ng pag-release ng endorphins, isang natural pain reliever.
8. MANAGE PAIN
Use these tips to help manage your pain so you can feel your very best:
- Isulat ang iyong nararamdaman araw-araw sa isang notebook, kasama na rin ang iyong kinakain at mga headache remedy o gamot na iniinom. Pagkalipas ng panahon, mapapansin mo kung ano ang mga trigger o sanhi ng iyong karamdaman.
- Huwag kalimutang magpahinga. Kung may gagawin ka na alam mong makakasama sa iyong karamdaman, unahin muna ang magpahinga. Importante ang pagpapahinga para makapagpatuloy ka sa trabaho at iba pang gawain.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC B092P011121SS