THE BASICS OF ARTHRITIS
Kung ikaw ay may arthritis, kadalasan, ito ay osteoarthritis, o degenerative joint disease na nangyayari dahil sa pagkasira ng cartilage sa kamay, tuhod, balakang o ibang bahagi ng katawan.
Kapag may nararanasan kang sakit sa katawan, paninigas, pamamaga, at decreased range of motion, malamang ito ay arthritis. Maaaring mawala ang mga sintomas na ito, mag-ibang anyo, o pa-minsan nama'y pabalik-balik ang mga sintomas. Upang makasiguro, kung may nararanasan kang sakit ng katawan, kumunsulta na sa doktor at sundan ang kaniyang payo.
Huwag matakot magtanong sa doktor tungkol sa iba't ibang treatment para sa arthritis.
ANO ANG SANHI NG ARTHRITIS?
Iba-iba ang mga arthritis causes, depende sa uri ng arthritis. Halimbawa, ang osteoarthritis ay maaaring magmula sa injury sa kasukasuan. Importanteng malaman ito ng iyong doktor upang makapagbigay siya ng wastong pain management plan para sa iyong arthritis.
ANO ANG PWEDENG GAWIN PARA MAWALA ANG ARTHRITIS?
Huwag matakot subukan ang iba't ibang arthritis treatment strategies upang makaranas ng ginhawa. Ngunit importanteng ikunsulta muna sa doktor ang anumang treatment na gusto mong subukan.