LIVE WELL
Dealing with Chronic Pain: Take it Day by Day
May good days; may bad days. Ang chronic pain management, parang dagat: minsan calm, minsan maalon, at minsan naman binabagyo.
Sa mga araw na halos hindi maramdaman ang chronic pain dahil well-managed ito, huminga nang malalim and enjoy the sunset. Sa mga araw naman na halos nalulunod ka na sa sakit, gawing lifeboat ang day-by-day mindset, para hindi buong kalawakan ng dagat ang kalaban, kundi paisa-isang alon lamang.
How to Manage Pain: Take a Quick Break
How to manage pain kung may 5 minutes lang: Itigil ang anumang ginagawa para magfocus sa breathing. Subukan ang breathing exercise na ito: Pikit ang mata, huminga nang malalim sa ilong, hold for 3-5 seconds bago mag-exhale sa bibig sabay bigkas ng “haaaah…” Ulitin hanggang umabot na sa 5-7 seconds ang hold.
How to manage pain kung may 10-15 minutes: Take a walk, hindi lamang para bawasan ang tension ng katawan kundi para ma-distract na rin, kahit sandali, sa intensity ng pain. Sa mga office employees, makakabuti ang stretching at chair and eye exercises. Ang stretching ay isang paraan on how to cure muscle pain. Ayon sa Mayo Clinic, posibleng magka-headache at sore neck/upper back naman pag may eyestrain1.
For quick relief sa chronic pain, makakatulong ang pain reliever tulad ng. Remedy rin ito para sa fever, headache, body pain, dysmenorrhea and toothache. Panis ang pain with Saridon!
How to manage pain kung may 20-30 minutes: Take a nap, para maka-recharge. May rejuvenating effect ito sa body and mind—tulong para maging alert, focused, at efficient sa trabaho. Ayon sa NBC News BETTER2, mood- at energy-booster rin ito, magandang gawin after lunch (12nn-2pm).
Be Open to Yourself and to Others
Mabigat hindi lamang sa katawan kundi sa mental, emotional, and spiritual health ang chronic pain. Mahirap man harapin, kailangang may acceptance; especially sa mga cases na hindi na mawawala ang pain, at para sa management na lang. Maging bukas sa iba’t ibang treatment at sa tulong ng friends at family. Share the burden.
Makakatulong ring makahanap ng mga taong naiintindihan ang iyong kalagayan dahil nararanasan din nila ito o napagdaanan na. Tanungin ang iyong medical consultant kung maaari kang i-refer sa support organization. Makakahanap rin ng support group sa social media. Bukod sa tips, may feeling of camaraderie rin na makukuha sa ganitong interaction at community, para lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa.
Keep Living Your Best Life
Isa sa pinaka-importanteng bagay na maari mong gawin ay ang pagtulog nang mahimbing bawat gabi. May benepisyo ito sa iyong physical, mental at emotional na kalagayan. Ngunit, maraming tao ang hindi nakakamit ang benepisyo nito. Maaring ang unan mo ay ang problema. Subukan mong gumamit ng unan para sa wastong spine alignment. Kung nahihirapan ka namang makatulog, maaaring makatulong na iwasan ang mga gadgets isang oras bago matulog. Iwasan din ang panonood ng TV o paggamit ng smartphone. Maaaring maging problema sa pagtulog ang over-stimulation.
4. MASSAGE THERAPY
Huwag bigyan ng power ang chronic pain. Labanan ito gamit ang pain management techniques at talunin unti-unti, day by day. Mga pwedeng subukan para hindi mawala ang motivation na maging active, happy, at energetic—good day man o bad day:
- Learn a new skill: Hindi kailangang gumastos nang malaki para magkaroon ng bagong hobby. Magpaturo sa mga kapamilya o kaibigan na magaling magluto, sa arts & crafts, sa sports, sa ibang wika, etc.
- Revisit childhood favorites: Balikan ang mga paboritong laro, palabas, libro ng iyong kabataan.
- Catch up with friends/family: Mag-bonding, lalo na sa mga matagal mo nang hindi nakakausap.
- Do something silly/random: Mag-dance party mag-isa, humarap sa salamin at patawanin ang sarili, mag star-gazing.
- Enjoy nature: May healing power ang nature. Kung malayo ka sa magagandang tanawin, mag-alaga ng halaman sa bahay.
- Count the things you are thankful for: Isulat sa notebook o gawing habit bago matulog, mag-isa o kasama ang pamilya.
At panghuli, make new goals. Ilista ang lahat ng gusto mong gawin sa buhay. Mahalagang step sa paggawa ng goals at plans: isulat kung paano makakamit ang mga ito. Huwag hayaang maging limitation ang chronic pain. Kung gusto mong umakyat ng bundok, maging milyonaryo, mag travel ng mundo, gawin mo. Kaya mo yan!
References:
1. Mayo Clinic, “Eyestrain,” August 28, 2020, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/eyestrain/symptoms-causes/syc-20372397
2. Jenn Sinrich, “How to take a nap that will actually boost your energy,” NBC News BETTER, August 21, 2017, https://www.nbcnews.com/better/health/how-take-nap-will-actually-boost-your-energy-ncna793681
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference No: B143N051121SS