UNDERSTAND PAIN
Understanding and Learning to Manage Shoulder Pain
Tulad ng tuhod [link to article on Knee Pain], malaki at complex joint ang shoulder. Kailangan natin ito para sa napakaraming daily activities tulad ng pagligo at pagsuot ng damit, pagbukas-sara ng pinto, pag-abot ng bagay sa mataas na patungan at pagbuhat nito pababa, paghawak sa overhead handle sa MRT o sa steering wheel ng kotse. Kaya kung may nararanasan kang shoulder pain, nagiging mahirap ang mga simpleng bagay sa buhay. Importante ang wastong shoulder pain treatment upang makabalik kaagad sa dati.
Tulad rin ng tuhod, marami bahagi ang shoulder na pwedeng ma-injure, lalo na sa sports tulad ng tennis, golf, at baseball na may paulit-ulit na swinging motion, at swimming dahil mabigat ito sa upper body at nasa constant motion ang shoulder.
Ilang mahalagang pagkakaiba ng shoulder at knee: dalawang buto ang connected sa tuhod at tatlo naman sa shoulder: collarbone, shoulder blade, at humerus (buto ng braso). Meron ring “ball and socket” ang shoulder kaya may wide range of motion ito, kasama na ang full rotation. Dislocation ang tawag kapag natanggal ang ball o bilog na dulo ng humerus, sa socket.
Mahalaga ang role ng tinatawag na “rotator cuff” (isang set ng muscles, ligaments, at tendons), na hindi lamang para sa wastong movement ng shoulder, kundi para rin stable ang joint at manatili ang ball sa socket.Causes of Shoulder Pain
Maraming sanhi ang shoulder pain, at pwede itong maging minor to severe, acute o chronic. Ayon sa HealthLink BC1, maaaring magmula ito sa injury (tulad ng sports accident o iba pang source ng physical trauma), overuse dahil sa paulit-ulit o pagpilit ng movement na mabigat ang stress sa shoulder, at general wear and tear o iba pang aging-related issues.
Kung biglaan ang injury, pwedeng magkaroon ng damage sa iba’t ibang bahagi ng shoulder, tulad ng bone fracture, muscle strain, ligament sprain, at torn rotator cuff.
Maaaring pain due to inflammation naman kapag overworked ang shoulder. Bursitis kapag sa bursa (fluid-filled sac para sa pag-lubricate ng joint), tendinitis kapag sa tendon (tissue between muscle and bone) tulad ng nagcoconnect sa bicep at humerus. Impingement syndrome naman pag sa rotator cuff tendons ang inflammation.
Pwedeng maging cause of pain at restriction of movement naman ang “frozen shoulder” pagkatapos ng injury o dahil din sa overuse.
Iba pang sources of shoulder pain: osteoarthritis, calcium buildup, muscle tension, at pain galing sa ibang disease o parts ng body (e.g. neck) na nagspread hanggang umabot sa shoulder.
Shoulder Pain Treatment and Prevention
Tulad ng ibang body pain, walang itong instant cure, lalo na pag galing sa injury. Kaya mahalaga ang shoulder pain treatment at management plan [link to article on Pain Management] sa iyong journey to recovery. Ito rin ang ilang tips on how to relieve shoulder pain at pag-prevent nito:
- Para sa minor pain na nakakasagabal sa daily activities, maaaring subukan ang OTC pain reliever tulad ng Paracetamol + Propyphenazone + Caffeine (Saridon), and PAINlahatang gamot. It starts to release in 5 minutes. Maaari din siyang gamitin for fever, headache, body pain, dysmenorrhea and toothache.
- For major, severe, at chronic pain, consult your doctor for proper diagnosis.
- Cause din ng shoulder pain ang masamang posture kaya mag practice ng proper posture kahit nakaupo o nakatayo.
- Iwasan ang repetitive movements na laging gamit ang shoulder. Kung nagsisimula nang sumakit, maging aware sa daily activities at movements. Baka masyadong mabigat ang bag na buhat sa isang shoulder o di kaya naiipit ito sa pagtulog.
- Strengthen the shoulder muscles. Make sure na may proper stretching, warm up, and cool down sa iyong exercise routine.
- Kung may ma-pwersang shoulder movement tulad ng throwing o overhead lifting ang bago mong sport or workout, alamin ang proper form para hindi ma-injure. At kung sumasakit ang shoulder na higit sa pangkaraniwang muscle ache, huwag munang ituloy. Subukan ang ibang sports na less ang stress sa shoulder.
Tandaan na hindi lang pain kundi malaking pagkakaabala rin ang mararanasan kung injured ang shoulder. Bahagi ito ng napakaraming home and work tasks. Pag nagrerecover naman mula sa injury sa tulong ng medical professionals, maging disiplinado sa pagsunod ng kanilang shoulder pain treatment plan.
References:
1. Healthwise Staff, “Shoulder Problems and Injuries,” HealthLink BC, June 26, 2019, https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/shoul
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Ref No. B144N052521SS