LIVE WELL
Whole Living—A Lifetime of Health Benefits
Tuwing New Year, nauuso ang “healthy lifestyle” resolution. Nakakalimutan itong saglit dahil sa indulgence theme ng Valentine’s; pero trending na uli pag naghahabol ng summer body. Alamin ang mga tamang healthy living tips o mga health tips para sa kalusugan ng body, mind, and heart.
Taliwas ang New Year’s resolution-mindset sa lifestyle changes na kinakailangan para ma-achieve ang long-term health goals. Ang susi sa pangkabuhayang kalusugan ay sustainability at ang pagfocus sa whole living.
Whole Living and Healthy Living Tips
Bahagi ng holistic view ng health ang physical, mental, and emotional well-being. Balancing act ito na hindi pumapabor sa isang aspeto. May mga fit at laging nasa gym pero hindi naman makatulog sa bigat ng problema, o number one sa trabaho pero hindi nawawala ang headache o sakit sa katawan.
Kaya bigyan ng tamang effort at maging conscious sa health ng heart, mind, and body. Lifestyle changes at hindi ang pinaka-usong diet ang kinakailangan para umabot sa pagtanda ang healthy living tips and habits.
Huwag ring biglain ang sistema, kung hindi ka handa. Maraming maliliit na bagay ang pwedeng gawing bahagi ng routine para unti-untiin ang progress. “Small steps” ang kinakailangan para sa kalusugan. Ilang mga health tips para sa kalusugan na kayang-kayang sundan:
Healthy Living Tips: Make an Eating Plan for Healthy Living
- Subukan ang mindset na magkasinghalaga ang sustansya ng pagkain sa sarap nito. Kung mahilig ka sa meat na tabain, subukang palitan ang ingredients, tulad ng: puso ng saging burger, gulay kare-kare, at mushroom chicharon. Gumawa ng eating plan for healthy living at sundan ito.
- Cheat snacks imbis na cheat meals: Huwag i-deprive ang sarili sa mga paboritong pagkain. Tutukan lamang ang quantity nito. Kung meron kang cravings tulad ng cake, ice cream, milk tea, fried chicken, o pizza, gawin itong snack for sharing para hindi makarami. Malaking tulong ang portion control sa weight control.
- Punuin ang diet ng heart- and brain-healthy ingredients. Sundan ang healthy living tips na ito para sa iyong kalusugan, at maghanap ng mga sangkap tulad ng foods rich in omega-3, green leafy vegetables, at whole grains. Ayon sa NIH Office of Dietary Supplements1, makukuha ang omega-3 sa fish tulad ng sardines at tuna, nuts, at plant oils tulad ng canola oil.
- Basahin ang nutritional content at ingredients list ng packaged food. Unang-una, tingnan ang sodium at sugar content at kung ilang percent ito ng RDA (Recommended Daily Allowance). Pansinin din ang number of servings. Minsan, mukhang mababa ang RDA, pero maliit na portion lang ng pack (e.g. 4 pieces ng potato chips) pala ang katumbas. Isang sa mga pinakasimpleng health tips para sa kalusugan ay ang pagbasa ng ingredients list ng bawat produkto. Kung sugar ang unang nakalista (kunwari sa cereal), mabuting iwasan na ito.
Healthy Living Tips: Make an Exercise Plan
- Lagyan ng variety ang exercise routine. Subukan ang iba’t-ibang types ng exercise (cardio, plyometrics, strengthening, etc.). Magsama din ng mga kaibigan sa workout sessions para laging fun at hindi maging chore ang pag-exercise.
- Mahalaga rin ang mental exercises tulad ng puzzles (e.g. Sudoku) at continuous learning (e.g. matuto ng bagong language o tumugtog ng gitara).
- Mag-breathing exercises at maging physically active during work hours. Malaking tulong ang proper breathing, calmness, at clarity of mind sa total well-being. Pero kung sobrang busy sa trabaho, mag-set ng alarm o ipasok sa daily calendar ang wellness breaks para magstretch, maglakad, at huminga nang malalim.
Healthy Living Tips: Make a Sleeping Plan
- Maging aware sa oras ng pagtulog. Ayon sa CDC, dapat at least 7 hours2 gabi-gabi at bago pa humiga sa kama ay mag-“wind down” na, physically at mentally.
- Huwag magtrabaho o kumain sa kama. Dapat hiwalay ang active at resting spaces sa bahay para madaling magrelax pag oras nang matulog.
- Gumamit ng sleep aids kung kinakailangan. Soft music, madilim na kwarto, knee pillow…gawin ang mga kinakailangang small adjustments para humimbing ang tulog.
Laging makinig sa katawan at huwag baliwalain ang mga nararamdamang sakit. Para sa mga headache sa trabaho, magbaon ng Paracetamol + Propyphenazone + Caffeine (Saridon).It starts to release in 5 minutes. Maaari rin itong gamitin para sa fever, headache, body pain, dysmenorrhea and toothache.
Kung may symptoms na kakaiba o chronic at tumatagal, magconsult sa medical professional.
References:
1. National Institutes of Health - Office of Dietary Supplements, “Omega-3 Fatty Acids - Fact Sheet for Consumers,” March 22, 2021, https://ods.od.nih.gov/factsheets/Omega3FattyAcids-Consumer/
2. CDC, “How Much Sleep Do I Need?,” March 2, 2017, https://www.cdc.gov/sleep/about_sleep/how_much_sleep.html
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference No: B126P050421SS