UNDERSTAND PAIN
Flu vs. Fever — Know the Difference
Pag 37.1 ba, lagnat na? Iisa lang ba ang flu at fever? Ano ang dapat gawin kung may pabalik-balik na lagnat? At ano ang gamot sa trangkaso? Alamin ang mga sagot sa mga tanong na ito.
Kahit ilang beses nang nagkalagnat o trangkaso, maaaring may mga tanong pa rin tungkol sa mga ito. Unang-una, dapat linawin na:
Symptom ng flu ang fever. Pero hindi lahat ng fever dahil sa flu.
Trangkaso (Flu)
Ayon sa DOH1, viral infection ang influenza o “flu” kung saan mararanasan ang symptoms na: headache at fever, body pain at fatigue.
Respiratory tract ang affected kaya may sore throat at ubo rin. Dapat alamin na contagious ito at kumakalat sa pamamagitan ng droplets (pag-ubo, pagsalita) at discharge (sipon, plema).
Kaya mahalagang ugaliing maghugas ng kamay at iwasan ang paghawak sa mukha at sa mga surfaces tulad ng mga handrail at doorknob na hindi madalas nalilinis, lalo na sa public indoor spaces tulad ng malls, bus, at elevators. Magdala ng alcohol sa bag.
Ang immune system o ang natural defense mechanism ng katawan ang lumabalan sa viral infection, kaya mahalagang magpahinga. Huwag nang piliting lumabas pa o tumuloy sa trabaho kung nagsimula na ang symptoms. Lalo lang sasama ang pakiramdam at baka makahawa pa. Maaaring kumuha ng gamot sa trangkaso tulad ng flu shot o immunization taon-taon sa licensed medical facilities, para tulong iwas sa trangkaso.
Marami rin namang gamot sa trangkaso at home remedies para sa symptoms ng flu. Uminom ng maraming tubig at iba pang healthy liquids tulad ng clear soup at tea, mag-gargle ng tubig na may asin, at para sa baradong ilong, subukan ang steam inhalation (mag-ingat na huwag mapaso) kahit sa shower lang na mainit ang tubig at nakasara ang pinto at bintana.
Para naman sa sakit ng ulo at fever, may OTC pain reliever tulad ng Paracetamol + Propyphenazone + Caffeine (Saridon) na nagbibigay ng better pain relief. It starts to release in five minutes. Maaari din siyang gamitin laban sa fever, headache, body pain, dysmenorrhea at toothache.
Lagnat (Fever)
Maraming pwedeng sanhi ang fever, kasama na ang flu. Ayon sa Harvard Health2, pag umakyat ng 38°C o mahigit ang temperatura mo, obserbahan na rin kung may iba pang symptoms, lalo na kung severe symptoms ang mga ito, tulad ng shortness of breath, rash na mabilis ang pagkalat, at kung nahihirapan nang uminom ng tubig. Seek medical assistance. Mahalaga rin ang monitoring ng temperature kahit walang ibang symptoms. Pag lumampas ng 40°C, consult your doctor.
Mga posibleng sanhi ng fever bukod sa flu:
- Iba pang viral infections tulad ng stomach flu (gastroenteritis) na may kasabay na diarrhea at/o pagsusuka.
- Maaari naman bacterial ang infection tulad ng UTI (urinary tract infection), pneumonia (pulmonya), at meningitis (inflammation sa may brain at spinal cord).
- Iba pang disease o medical condition tulad ng lupus.
- Kung na-expose ka sa taong may TB o tuberculosis, at nagkaroon ka ng ubo at lagnat, tawagan na agad ang iyong doktor para ipa-test ito.
- Reaction sa external factors tulad ng overexposure sa araw at init (heat stroke) at sa medication.
- Kung pabalik-balik ang lagnat, kahit low-grade fever lang, mabuti na ring kumonsulta ng medical professional. Bagamat normal na magkaroon ng fluctuations ang body temperature depende sa activities, time of day, at pati uri ng thermometer na ginamit, hindi dapat tumatagal o pabalik-balik ang fever, lalo na kung may kasabay pang ibang sintomas.
Tandaan na makakatulong sa pag-iwas sa viral infections ang good hygiene. Mahalaga rin ang healthy habits tulad ng sapat na tulog gabi-gabi at proper diet. Iwasan rin ang stress para sa whole, healthy living [link to article on Whole Living].
References:
1. Department of Health – Republic of the Philippines, “Trangkaso (Influenza),” February 4, 2019, http://www.ro2.doh.gov.ph/program/communicable-diseases/159-trangkaso-influenza
2. Harvard Health Publishing, “Fever in Adults,” November 2020, https://www.health.harvard.edu/decision_guide/fever-in-adults
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Ref No. B164N052521SS, B0153P020624S, B0072P020224S