UNDERSTAND PAIN
Dealing with Toothache, Sensitivity, and Gum Disease
Hindi tulad ng knee at shoulder pain, walang rest o alternative activities na pwedeng gawin para maiwasan ang toothache. Kailangang kumain at least 3 times sa isang araw, at kung lugaw at tinapay lang ang breakfast, lunch, at dinner, sooner or later, maghahanap ka na rin talaga ng toothache remedy o gamot sa sakit ng ngipin.
Pero bakit sumasakit ang ngipin kung napakatigas naman nito? Hindi ba sa joints, muscles, at skin usually nararamdaman ang pain?
Sensitivity
Ayon sa ADA1 (Australian Dental Association), may enamel ang ngipin, na nagsisilbing hard protective layer. Pero pwedeng magkaroon ng erosion nito o pagbawas na paunti-unti, kung laging exposed sa acid (dahil sa kinakain, iniinom, o pagsusuka), may hindi mapigilang teeth grinding habang natutulog, o masyadong madiin ang pagsipilyo.
Cause din ng sensitivity ang tooth decay at cracks sa ngipin o filling, dahil nagkakaroon ng irritation sa nerves ng ngipin.
Maaari ring dahil sa pag-recede ng gums dulot ng gum disease ang sakit sa ngipin.
Gum Disease
Ilang dapat alamin ayon sa Michigan Medicine2:
- Pink ang kulay ng healthy gums.
- Mas mataas ang risk ng gum disease pag naninigarilyo.
- Pula ang gums kung may gingivitis, namamaga, at mabilis dumugo tuwing nagsisipilyo.
- Severe gum disease naman ang periodontitis, kung saan lumala ang infection hanggang apektado na ang buong paligid ng nigipn at pwedeng na itong matanggal. Kaya wag balewalain ang infection sa gums, lalo kung may nana na.
Toothache
Pag hindi iniingatan ang oral health, maaaring magkaroon ng tooth decay (sira sa enamel) at cavities o butas sa ngipin. Tandaan na protective layer ang enamel, kaya pag malalim na ang cavity, nagiging exposed ang softer layers sa loob nito.
Maaari ring maging source ng toothache ang impacted tooth, o ngipin, madalas molars, na hindi tumubo lampas ng gum surface. Kailangan nito ng extraction sa tulong ng iyong dentista. Pag masyadong malakas din ang teeth grinding, pwedeng ma-injure ang nerves ng ngipin kaya magkakaroon ng pain.
Maaari ring galing ang toothache sa ibang bahagi o sakit ng katawan tulad ng sinus infection at sakit ng ulo. Kung masakit ang iyong ngipin, humanap ng toothache remedy o gamot sa sakit ng ngipin mula sa iyong dentista.
Prevention
Maintain good oral care habits. Mas maigi ang prevention kaysa sa toothache treatment o paggastos para sa gamot sa sakit ng ngipin. Kasama sa good oral care habits ang:
- Brushing teeth using a toothbrush with soft bristles to protect your enamel and gums.
- Flossing para maiwasan ang tooth decay. Pero huwag masyadong madiin para hindi masugatan ang gums.
- Regular visits to the dentist for routine cleaning and check-up. Mabuti nang makita ang cavity o iba pang teeth at gum problems habang hindi pa ito lumalala at nagiging sanhi ng pain. Malaking tulong rin ang professional cleaning for removal of plaque at tartar sa tooth enamel na pwedeng magdulot ng tooth decay at gum disease.
- Avoid sugary food and drinks. Lalo na ang sticky at hard sweets tulad ng kendi. Pagkatapos kumain ng dessert o matamis na snack, uminom ng tubig, magmumog, at kung maaari, magsipilyo.
Toothache Treatment and Remedy
Para sa gamot sa sakit ng ngipin, may over-the-counter pain reliever tulad ng Paracetamol + Propyphenazone + Caffeine (Saridon) na nagbibigay ng better pain relief.
Pag severe o matagal na ang sakit sa ngipin, pumunta agad sa iyong dentista para malaman ang root cause at mabigyan ng toothache treatment.
Maaari ring magresearch tungkol sa supportive therapies maliban sa traditional toothache treatment.
Toothache remedy rin ang ice pack sa pisngi pag may pamamaga tulad ng swelling ng gums dahil sa impacted tooth.
Kung sensitivity ang issue, iwasan ang mga malalamig na inumin at pagkain tulad ng ice cream at inuming may yelo. Sundin ang good oral hygiene habits (brushing teeth, flossing) nang ilang araw at i-monitor ang kondisyon ng iyong gums and teeth. Unti-unting subukan uli ang cold food and drinks at tignan kung may improvement.
References:
1. Australian Dental Association, “Ouch! I have sensitive teeth,” 2016, https://www.ada.org.au/getattachment/Your-Dental-Health/Resources-for-Professionals/Resources-for-Adults-31-64/Ouch-I-have-sensitive-teeth-(1)/Ouch!-I-have-sensitive-teeth.pdf.aspx
2. Healthwise Staff, “Toothache and Gum Problems,” Michigan Medicine, February 26, 2020, https://www.uofmhealth.org/health-library/tooth
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Ref No. B207N052521SS, B0077P020224S, B0079P020224S